March
1
总使用量
0
总份额
0
总点赞数
0
总计节省
使用声音

描述

Hi, guys! Ako nga pala si March — isang simpleng tao lang, normal na normal (well, slight lang naman, haha). Ako’y labing-siyam na taong gulang at kasalukuyang nasa kolehiyo. Pero may isang sikreto ako na baka magulat kayo: isa pala akong sakristan. Gusto nyo bang malaman kung paano ako naging sakristan? Kung ayaw nyo naman, eh wala na kayong magagawa kasi nakikibasa na nga lang kayo — joke lang, of course! Ganito nagsimula ang lahat: taong 2020, Simbang Gabi noon. Tatlong sunod na araw na akong walang palya sa pagdalo ng misa. Pagkatapos ng misa, diretso agad akong umuwi ng bahay. Sakto namang nadatnan ko si Nanay sa terrace namin, parang may hinihintay. "Uy, Ma!" bati ko sabay mano. Ngumiti siya sabay tanong, "Anak, gusto mo bang maging sakristan? Kasi naghahanap daw ng bagong sakristan ang simbahan." Napanganga ako at napakamot ng ulo. “Ha? Ako? Sakristan?” Bumuntong-hininga ako. Ang dami kasing pumapasok sa isip ko noon: ang dami ng tao, makikita ka ng lahat, baka magkamali ka pa sa harap ng pari. At dahil nga mahiyain ako, napailing na lang ako. “Ah, Ma, parang hindi po yata para sa akin ‘yan,” sabi ko. Pero ayun na nga, hindi nagpapigil si Nanay. “Ay naku, subukan mo lang. Malay mo, magustuhan mo rin. Minsan lang ‘yan.” Hindi ko na alam kung anong nangyari pero dahil sa pamimilit niya, napapayag din niya ako. Ang sabi ko na lang sa sarili ko, “Sige, try ko lang. Kapag hindi talaga para sa akin, magku-quit na lang ako.” Ang iniisip ko pa noon, baka nga hindi ako tatagal ng isang buwan! Pero nagkamali pala ako. Kinabukasan, pinasamahan ako ni Nanay kay Ate para makausap ang coordinator ng mga sakristan. Si Ate kasi, member din ng ministry sa simbahan. Pagdating namin sa opisina ng coordinator, magalang ko siyang binati. “Magandang araw po,” sabi ko. Ngumiti siya at tinanong lang ako ng pangalan at edad. “O, kailan ka available para mag-practice?” Nagulat ako kasi ang bilis lang ng proseso! Walang interview-interview, basta pangalan at edad lang. Fast forward to 2021, na-move pa ang training ng mga bagong sakristan dahil sa hindi ko na maalalang dahilan (hehe). Noong unang araw ng practice, grabe talaga ang kaba ko. Lahat ng pinapagawa nila, parang mali ang nagagawa ko. Parang gusto ko na lang tumakbo pauwi. “March, ganyan talaga sa una,” sabi ng isa sa mga trainers habang tinuturohan akong maghanda ng mga gamit sa altar. “Relax ka lang, matututunan mo rin ‘yan.” Buti na lang at napaka-pasensyoso nila. Unti-unti, nagawa ko na rin nang tama ang mga dapat gawin. Makalipas ang ilang araw ng training, pinasubok na kami sa mismong misa. Ang dami ng tao, tapos nararamdaman ko pa rin ‘yung kaba — pero sa awa ng Diyos, naging maayos naman ang lahat kahit may kaunting pagkakamali. Naiintindihan naman nila kasi nga baguhan pa lang ako noon. Matapos ang halos isang buwan ng pag-serve, dumating na rin ang araw ng aming investiture — ‘yung opisyal na pagtatalaga sa amin bilang mga sakristan at pagbabasbas ng pari. Ang saya ng pakiramdam noon! “O, anak, proud ako sa’yo,” sabi ni Nanay habang nakangiti. Napangiti rin ako. Ang sabi ko noon sa sarili ko, “Hindi ako magtatagal dito,” pero heto ako ngayon: ganap na sakristan na! Pero wait — may kasunod pa pala ‘yan! Makalipas ang isang taon ng pagiging ganap na sakristan, masasabi kong mas naging magaling na ako sa pagse-serve sa simbahan. Hindi naman ako perpekto — may mga pagkakamali pa rin paminsan-minsan — pero hindi na tulad ng dati na halos lahat mali. Nakikita ko ang improvement ko, at mas lalo kong nauunawaan ang galaw ng misa. Pero kahit isang taon na ang lumipas, aaminin ko… may mga pagkakataon pa rin na kinukuwestyon ko ang sarili ko. “Tama ba ‘to para sa akin?” “Deserve ko ba talaga ‘to?” “Tatagal pa kaya ako?” Tahimik lang ako madalas sa mga tanong na ‘yan. Sa panlabas, parang okay ako — nakangiti, naka-sutana, abala sa gawain — pero sa loob ko, parang may hinahanap pa akong sagot. Hanggang dumating ang tinatawag naming recollection — isang taonang pagtitipon ng mga sakristan. Dito kami nagbabalik-tanaw sa kung paano kami nagsimula, at kung paano pa namin mapapatibay ang relasyon namin sa Diyos at sa simbahan. First time kong makadalo. At syempre, excited ako. Sabi ko sa sarili ko, “Baka dito ko na makita ang sagot sa mga tanong ko.” Ang theme ng recollection namin noon ay: “The Calling, The Realization, The Service.” Maganda ang daloy ng session — isa-isang ipinaliwanag ang bawat bahagi. Pero ang pinaka tumatak sa puso ko ay ang "The Calling." Habang nagsasalita ang speaker, tahimik lang ako, pero todo ang focus. Ang sabi niya: > “Ang calling, o pagtawag ng Diyos, ay hindi laging malakas at malinaw. Minsan, dumarating ito sa anyo ng pagkakataon, ng imbitasyon, o kahit ng pamimilit ng magulang — pero ang totoo, ang Diyos ang nagpadala ng mga ito. Hindi ka nandito dahil lang pinilit ka. Nandito ka dahil pinili ka.” Napalunok ako. “Grabe. Parang ako ‘yun ah,” sabi ko sa sarili ko. Binalikan ko sa isip ko ang eksenang pinilit ako ni Nanay na mag-sakristan. Noon, akala ko trip niya lang. Pero ngayon, narealize ko — baka si Lord talaga ‘yung kumatok sa pamamagitan ni Nanay. At sa mga panahong ito na tumatagal na ako sa pagse-serve, unti-unti kong naiintindihan kung ano ba talaga ang silbi ko. Hindi lang pala ito tungkol sa pagsusuot ng sutana at pagtayo sa altar. Isa pala itong tungkulin — isang pagtugon sa tawag ng Diyos. Tinalakay rin sa recollection ang mga dahilan kung bakit kami nananatili — paano kami tumatag, at ano ang mga nagpalalim sa pananampalataya namin. Isa sa mga bagay na nabanggit ay ang pagkakaibigan. Sobrang relate ako dito. Dati, bilang isang mahiyain (as in sobra talaga), kunti lang ang kaibigan ko. Bilangin mo lang sa daliri, tapos may matitira pa! 😅 Pero simula nang maging sakristan ako, unti-unti akong naging palakaibigan. May mga nakilala akong mga kapwa ko sakristan na hindi lang mababait — kundi parang pamilya na rin ang turing sa akin. Minsan nga, habang nasa likod kami ng simbahan, may bumirong isa: > “Uy March, dati tahimik ka lang ah. Ngayon ikaw na ang maingay sa meeting!” Sabay tawanan kaming lahat. At sa totoo lang, totoo ‘yun. Malaki talaga ang nabago sa akin. At hanggang ngayon, nakikita ko pa rin ang mabubuting epekto ng pagiging sakristan sa buhay ko. Ngayon, limang taon na akong nagsisilbi bilang sakristan. At oo, patuloy pa rin ako. Inaamin ko: hindi ako perpekto. Hindi ako laging tama, hindi ako laging banal. May mga pagkakamali rin ako. Pero ang mahalaga, ginagampanan ko ang tungkulin ko nang may puso. Para sa mga nakakakilala sa akin at alam ang mga ugali ko, baka may ilan na magdududa. “Si March? Sakristan? Parang di bagay.” Pero ang totoo, sa likod ng suot kong sutana… isa rin akong normal na tao. Nagkakamali. Nagkakasala. Pero araw-araw, pilit bumabangon at nagsisisi. Sabi nga ng pari namin minsan: > “Ang pagiging sakristan ay hindi tungkol sa pagiging perpekto. Ito ay tungkol sa pagiging handang maglingkod, kahit may kahinaan.” At doon ko naintindihan — hindi kami santo. Lalo nang hindi kami Diyos. Pero pinili pa rin kami na maglingkod. At para sa akin, sapat na ‘yon para ipagpatuloy ko ‘to nang buong puso. ‘Yun lang po. Maraming salamat sa pagbasa. Sana ay may napulot kayo. Kung wala, edi wow… char lang. Joke lang. Love you, mga kaibigan! 💙

en
示例
1
Mine
Hi, guys! Ako nga pala si March — isang simpleng tao lang, normal na normal (well, slight lang naman, haha). Ako’y labing-siyam na taong gulang at kasalukuyang nasa kolehiyo. Pero may isang sikreto ako na baka magulat kayo: isa pala akong sakristan. Gusto nyo bang malaman kung paano ako naging sakristan? Kung ayaw nyo naman, eh wala na kayong magagawa kasi nakikibasa na nga lang kayo — joke lang, of course!