描述
Housemates, oras na para bumoto. Piliin ninyo ang dalawang taong sa tingin ninyo ay pinaka hindi karapat-dapat maligtas. Isaalang-alang ang kabutihan, kahalagahan, at kakayahan ng bawat isa. Housemates… it’s time to vote DOCTOR : Doctor, kahit ikaw ay matanda na… pinili ka pa rin ng marami. Dahil sa iyong karanasan at talino sa medisina. Sa oras ng pangangailangan, ang kaalaman mo ay buhay. PREGNANT GIRL: Dalawang buhay ang dala mo. At kahit bata ka pa, pinakita mong may puso ka para mabuhay para sa anak mo. Housemates believe you deserve a future. TEACHER: Ma’am Teacher, sa gitna ng kaguluhan, ikaw ang nagsilbing ilaw ng grupo. Ang kinabukasan ay nangangailangan ng karunungan. YOUNG MOTHER: Para sa anak mo, lumaban ka. Hindi ka nagsalita ng malakas, pero ramdam nila ang pagmamahal mo bilang ina. You are a symbol of sacrifice.” ATHLETE: Malakas ang katawan, matibay ang loob. Ikaw ang sandigan nila pagdating sa aksyon. And that is why you earned your spot. BANKER: Tahimik pero praktikal. Kailangan ng lifeboat ng taong marunong magplano, mag-isip ng susunod na hakbang.” CLERGY :Hindi ikaw ang pinakamalakas o pinakabata, pero ikaw ang nagpapalakas ng loob ng iba. Sa gitna ng takot, ikaw ang panalangin. YOU: Tahimik kang nagmasid sa lahat. Hindi ka bumida, pero nakita nila ang iyong pang-unawa at respeto sa desisyon. Tahimik kang sumuporta sa asawa mo, at ang presensya mo ay puno ng malasakit. Marami kang naranasan sa mundo lalo na sa pag-unawa at pagtulong… ngunit hindi ito sapat sapagkat ang mundo ngayon ay nangangailangan ng lakas at direksyon para magsimulang muli. Kaya’t sa pagkakataong ito, ikaw ay hindi na makakasama sa lifeboat. Marami ang bumoto sa’yo bilang simbolo ng karunungan at karanasan. Marami kang naranasan sa mundo lalo na sa pag-unawa at pagtulong… ngunit hindi ito sapat sapagkat ang iyong katawan ay hindi na angkop sa matagal at mabigat na laban sa hinaharap. Sa huli, pinili nila ang may kakayahang tumagal pa — hindi lamang ang may alam. Sa inyong mag asawa. Maraming salamat sa karunungan, malasakit, at katahimikan na ibinahagi ninyo sa bahay na ito. Marami kayong naranasan sa mundo — sa paglilingkod, sa pag-unawa, at sa pag-alaga sa kapwa. Ngunit tulad ng tunay na buhay, may mga panahong kailangang ipaubaya ang daan sa mga susunod na henerasyon. Hindi ito pagkatalo, kundi isang marangal na pamamaalam. Sa inyong pag-alis, dala ninyo ang respeto ng lahat — at ang paalala na ang tunay na halaga ng buhay ay hindi lang sa tagal nito… kundi sa kung paano ito ipinagkaloob para sa iba.